Huwebes, Disyembre 12, 2013

MARIA 
"Ito ako, Ako ito"
makulit.masaya.masarap.maligaya.madami.maarte.mala-teleserye

19 | Pinay | Daughter of God


MAKULIT. Bata pa lang ako ito na ang isa sa mga pagkakakilala ng mga tao sakin.Chabilita, Biba, Tabaching at Marimar ang madalas na tawag sakin sa bahay,kapitbahay pati sa school. Minsan nga lang pag sobra ang kakulitan napapagalitan pero walang duda na marami akong napapasaya sa pagiging positibo at masayahin. 
Kindergarten #Throwback
MASAYA. Batang 90's. Ngayon ko naappreciate ang pagiging batang 90's ko, naging makulay ang pagkabata ko noon kaya hanggang ngayon sa mga kabatch ko isa ko sa pasimuno sa pagbibida ng mga bagay na paborito kong ginagawa noon.

Mula sa panunuod kila Heidi, Cedi, Judy Abott , Blue Blink, Recca, at mga tagapagligtas ng mundo na sumusupil sa isang daang porsyentong lakas ng mga kalaban hanggang sa aktwal na laban sa kalsada ma pa piko, tumbang preso, luksong baka, bang-sak,patintero, bente uno, moro moro, chinese garter, trumpo at iba pang nakakadugyot na laro noon ay naenjoy ko at naging parte ng pagkabata ko.

MASARAP Lumaki akong sagana sa lutong bahay na pinakamasarap sa buong Universe, ito yung luto ng nanay ko. Mahilig ako sa kahit anong lutuin niya, kasabay ang mga kapatid kong lalaki na malakas kumain masasabi kong wala pa rin makakatalo sa sinigang,adobo,afritada at fried chicken ng mama ko :)
Hindi lang sa luto ng nanay ko ako nahuhumaling, kundi pati sa matatamis na pagkain. Hinding hindi ako hihindi sa pakwan, ice cream , chocolates at brownies.
   
SWEET TOOTH eh.
MALIGAYA. Meron akong pamilyang masaya,maligaya at nagmamahalan. Ang tatay ko ay isang seaman, bukod dun mahilig siyang mag magik at mag Facebook, responsable mapagmahal siyang ama, at sa kanya ko nakuha ang kapal ng kilay ko. Ang nanay ko naman ang siyang tumatayong ina at ama kapag wala ang tatay ko sa tahanan, sa kanya nakita ang pagmamahal na hindi maususklian. 

3 ang mga kapatid kong lalaki na matatakaw, Si kuya Nikko ang masungit,mainipin,mapagparaya at madaldal kong kuya. Si Bryan ang sumunod sakin na naagawan ng trono bilang bunso. At pinakamakulit na si Topher bunso naming lahat. Masaya kami, minsan maingay , mahilig magasaran pero mahal na mahal namin isa't isa. 



MADAMI. Mas masarap tumawa kapag may kasama. Sila yung mga taong akala mo kasama mo lang para tawanan yung mga pagkakamali mo, kasama mong mangtrip, kumain, mangasar, manguha ng mga free taste sa mall, tumakbo pag late, umiyak sa mga kaartehan hindi lang kasama, kasabay o karamay kundi kaibigan. 

Sila yung mga taong kahit late ka at asshole sa oras bati ka pa rin at kahit bente lang ang pera mo solb ka na sa tawa pa lang. Sila yung kasabay mong mangarap yumaman , yung mamahalin mo kasi alam mong di ka iiwan. 






MAARTE. Parte na ng buhay ko ang pag arte sa teatro isa to sa mga nakahiligan ko ng ako ay mag college. Ilang dula na din ang pinabidahan ko na itinanghal sa Pamantasa. Ngayon ay isa ako sa lider ng teatro sa Pamantasan ang Magwayen na nagsilbi ring pangalawang pamilya ko.